Dapat pa ba?


Ako ba’y dapat pang manatili at magtiwala
Sa pangarap na bukas na syang tinitingala
Sa mga salita mong aking sinasandalan
Nararapat pa bang aking panghawakan?

Nais kong iyong malaman
Kung gaano ako nasasaktan
Hindi dahil sa pananatili
Kundi sa iyong hindi pagkandili.

Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin
Di ko na ito dapat pang salitain
Kay hirap ng ganitong kalagayan
Maramdaman mo sana ang aking kalungkutan.

Mahabang panahon ang babakahin
Di na alam kung kaya pang tiisin
Umasa sayong salitang maigi
Sa minsa’y iyong pangarap na minimithi.

Kay hirap lumaban ng mag-isa sa digmaan
Na walang kakampi para mapagtagumpayan
Ano pa ang silbi kung sandata’y wala
Tila sumugod sa kalaban upang buhay idala.

Bigyang liwanag ang aking isipan
Maging damdamin ay puspusin ng kasagutan
Upang matapos itong paghihirap
Nang kasiyahan naman ang aking mahagap.